"Wag kang mag-alala, usbong. Lalakas ka rin. Aalagaan kita at mamahalin," sabi ng puno.
Hindi sumagot ang usbong. Tahimik lang siya. Nakikiramdam at nalulungkot.
Dahil magkadikit ang dalawa, may dumaloy na lakas sa usbong mula sa puno. Paano'y nabigyan ng puno ng pagkain ang usbong.
Hindi lang iyon ang ginawa ng puno para sa usbong. Inalagaan niya at ipinagtanggol ito mula sa mga batang may dalang panungkit.
Dahil hindi pa malakas ang usbong, hindi pa siya maaaring mabangga. Araw-gabi, binantayan ng puno ang usbong.
Hanggang isang araw, ang usbong ay naging isang dahon.
Ang isang dahon ay nadagdagan ng isa pa.
At isa pa! At isa pa! Hanggang naging matibay na sa sanga ang dating usbong.
"Salamat po! Salamat po!" Sabi niya sa puno.
- Hango sa "Ang Malungkuting Bata" ni Rene Villanueva
The upcoming annual exhibit of Ang Ilustrador ng Kabataan (Ang I.N.K.) will be a tribute to Rene Villanueva. Featured in the exhibit will be new illustrations of several of Villanueva's endearing stories. "Forever RENEver" will be held on November 19-29, 2009 at the Cultural Center of the Philippines.
No comments:
Post a Comment